I need to forget, forget, FORGET!
Lahat ng masamang tumatakbo sa isip ko, dapat mawala na.
Ayoko na isipin si JXXXXX, ang girlfriend n’ya, o ang nanay n’ya. Ayoko na maalala lahat ng masamang nangyari sa aming dalawa. Ayoko na maalala ‘yung mga panahong aming pinagsamahan.
Gusto ko na matuto sa lahat ng mga nangyari. Gusto ko na magbago. Gusto ko na maging matured ako.
Pagod na ako mag-invest ng time and effort and money sa taong hindi ako kayang intindihin..
Ayoko makita ka sa panaginip ko. Ayoko [na ulit] maramdaman ang galit na pinaramdam mo sa’kin. Sawa na ako. Sawang-sawa na ako.
Gusto ko na maging maligaya. Gusto ko ng tahimik na buhay. Pero kumusta naman ang tadhana? Ang dami surprises sa’kin. Kung kelan akala ko makakalaya na ako, mas lalo ako nilugmok sa presong tinuri ko na tahanan.
Magiging masaya pa nga ba ako? Mukhang kahit ano’ng gawin ko, malagim na disappointment ang kahahantungan.
Kahit sa trading hindi na ako umusad. Forever newbie na lang ba ako? Hindi ko ba magagamit ang oras ko para sa mga bagay na gusto ko?
*****
JXXXXX, kung napuntahan ba kita, tayo pa [ba]? Kung naging vocal ba ako, magiging masaya ka ba talaga? Minahal mo ba talaga ako? Pakiramdam ko kasi ginamit mo lang ako. Sa loob ng 3 taon, pinagsilbihan kita. Halos mawala na ang pagkakakilala ko sa sarili ko.
Minsan ba naisip mo na kumustahin ang tunay na ako? Sabi mo iintindihin mo ako. Umasa ako na ililigtas mo ako sa madilim ko na mundo. Pero ano’ng nangyari? Naghintay lang ako habang sarili mo lang ang inaasikaso mo.
Ang selfish ko ba? Masama ba ako na tao? Ano ba’ng ginawa ko na masama sa’yo? Sabi mo mahal na mahal mo ako pero hindi mo naman mapatunayan.
Alam mo, ang sakit-sakit malaman na matagal mo na ako’ng niloloko. Ni-wala ka man lang paramdam o pasabi, basta ganun na lang… nangyari na lang.
Ang tanga-tanga ko naman para magpa-uto sa’yo.
Alam ko na masaya ka sa kung ano’ng meron ka ngayon.
Sana maging masaya rin ako.
—AMS


